© Icebreaker: Pagbabahaginan (isa-isang itanong)
- 1. Ano ang nalalaman mong kahinaan mo?
- 2. Ano naman ang isa sa mga kalakasan mo?
- 3. Kung magdadagdag ka ng kalakasan, ano iyon?
© Pambungd na panalangin ng isa sa mga kaanib.
© Umawit ng imnong nakapagpapalakas (mamahagi ng kopya).
A. BASAHIN: Roma 14:1-9
B. TALAKAYAN: (Ang mga salitang may parenthesis ay maaaring instruction o sagot sa tanong. Kung sagot, sabihin kapag ang lahat ng kaanib ay nakapagbigay na nang sagot.)
Ang Nagpapahalaga at Tumatanggap sa Kapwa...
I. IPINAUUBAYA SA DIYOS ANG PAGHATOL SA KAPWA (t. 1-6)
& Sa talatang 4, sino ang sinasabing may karapatang humatol sa isang lingkod? (Ang panginoon lamang niya ang makahahatol kung siya’y karapat-dapat o hindi.)
Ano ang ibig sabihin ng prinsipyong ito sa paghatol? (Malayang pagbibigay ng sagot.) Paano ito umuugnay sa buhay Cristiano? (Ang karapatan upang hatulan ang ginagawa ng kapwa Cristiano ay sa Diyos lamang na Siyang Panginoon natin.)
© Ano ang maaaring magawa upang maipakita sa kapatiran na sa Diyos mo ipinauubaya ang paghatol? (Personal, praktikal at pangkasalukuyang sagot. Malayang pagbabahaginan.)
& talatang 1-6, anu-ano ang mga paglalarawang makikita natin na umuugnay sa paghatol sa kapwa? (Hayaan munang sumagot ang grupo bago magbigay ng sagot ang lider. Tanggapin ang mahihina (t. 1), huwag hamakin at huwag hatulan ang kapwa (t. 3), gumawa (kumain) alang-alang sa Panginoon at pasalamatan Siya sa kahit na anong mga bagay (pagkain) (t. 6))
Isa-isang bigyan ng kahulugan ang mga nabanggit na mga sagot. (Malayang talakayan. Sikaping lahat ay sumama sa pagbabahagi ng sagot.)
© Sa mga nabanggit na gawain, paano mo ngayon pakikitunguhan ang mga kapatiran? (Personal na mga sagot ng grupo.)
LAGUMIN ang naging talakayan sa unang bahagi.
II. ANG GINAGAWA AY HINDI SA SARILING KAPAKINABANGAN (t. 7-9)
& Sa talatang 7, ano ang prinsipyo ang matututuhan natin tungkol sa pakikitungo sa kapwa? (Walang sinumang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang.)
Ano ang ibig sabihin nito? (Isa-isang magbigay ng kahulugan.)
© Ano ang gagawin mo upang maipakita sa kapatiran na ikaw ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang? (Malayang pagbabahagi.)
& Sa talatang 8, higit sa kapwa, kanino tayo dapat mabuhay at mamatay? (Sa mamatay o sa mabuhay, sa Panginoon tayo.) Ayon sa talatang 8, bakit sa Panginoon tayo, sa mamatay o mabuhay? (Basahin ng buo ang talata.)
Paano ba ang mabuhay at mamatay sa Panginoong Jesus? (Ang bawat ginagawa ay mga bagay na nagbibigay lugod sa Panginoon hanggang sa huling hininga, hanggang sa kamatayan. Ang buhay at kamataya ay ipinaubaya na sa Panginoong Jesus.)
© Ano ang maitatalaga mo ngayon sa Diyos habang ikaw ay nabubuhay? (Lahat ay magbigay ng sagot.)
LAGUMIN ang naging talakayan sa ikalawang bahagi.
N Panalangin para sa grupo. Idalangin ang pamilya ng inyong mga ka-grupo.
N Panalangin para sa iba. Idalangin ang Church: Pastor, mga kapatiran at mga gawain nito.
N Pahayag para sa Discipleship Jouney ng Church.
N Magwakas sa panalangin ang lider.



No comments:
Post a Comment