Wednesday, November 13, 2019

Ang Cristiano at ang Matuwid na Ugnayan sa Pamahalaan



CONNECT

© Icebreaker: Pagbabahaginan (isa-isang itanong)

  1. Sino ang nasusunod sa loob ng inyong tahanan?
  2. Para sa iyo, anong batas ng bayan ang mahirap sundin para sa mga mamamayan? Bakit kaya?

© Panalangin ng isa sa mga kaanib para sa tahanan at bayan.
© Umawit ng masisiglang awit ng pagsamba (mamahagi ng kopya).


REFLECT

      A. BASAHIN: Roma 13:1-7


B.   TALAKAYAN: (Ang mga salitang may parenthesis ay maaaring instruction o sagot sa tanong. Kung sagot, sabihin kapag ang lahat ng kaanib ay nakapagbigay na nang sagot.)

I. MAGPASAKOP SA NAMAMAHALA (t. 1-5)
& Sa talatang 1 at 5, anong utos ang dapat na sinusunod ng mga mananampalataya? (Pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan.)
 Ano ang ibig sabihin ng utos na “pasakop kayo sa mga pinuno ng pamahalaan?  (Malayang talakayan.)
©  Paano mo masasabing, sa kasalukuyan, ikaw ay sumusunod sa utos na nabanggit? (Personal, praktikal at pangkasalukuyang sagot.)
& Sa talatang 1-5 pa rin, anu-ano ang mga ibinigay na dahilan   ni Pablo sa pagpapasakop sa pinuno ng pamahalaan? ( (1) Ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral, (2) ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos, (3)  Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti natin.  (4) Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. (5) at alang-alang na rin sa budhi.)
 Pumili ng isa sa mga nabangggit na dahilan at ipaliwanag? (Hayaang magbahagi ng pagpapakahulugan. Laging tatandaan na ang bawat isa ay may karapatan sa kanyang sariling opinyon. Malibang taliwas sa Biblia ang sinasabi ng kasama, tanggapin ang mga paliwanag.)
©  Maliwanag na dapat tayong magpasakop sa pinuno ng pamahalaan, sa paanong simpleng paraan mo maipakikitang ikaw ay nagpapasakop sa pamahalaan at hindi lumalaban dito? (Malayang pagbabahagi ng personal na gagawin. Isa-isang sasagot.)

LAGUMIN ang naging talakayan sa unang bahagi.

II. SUPORTAHAN ANG MGA NAMAMAHALA (t. 6-7)
& Sa talatang 7, ano ang tamang pakikipag-ugnay sa kapwa o   sa bayan? (Ibigay sa bawat isa ang nararapat para sa kanya.)
  Ano ang ibig sabihin ng “pagbibigay ng nararapat?” (Isa-     isang magbigay ng kahulugan.)
©  Ano ang gagawin mo ngayon bilang tanda ng nararapat na pagsunod para sa bayan? (Malayang bahaginan. Hayaang maging bukas ang mga kaanib sa kanilang kaisipan at damdamin.)
& Sa talatang 6-7, anu-ano ang mga tungkuling nararapat   nating ginagawa para sa bayan? ((1) Magbayad ng buwis, (2) magbayad sa mga dapat bayaran (3) igalang ang dapat igalang (4) at parangalan ang dapat parangalan.)
 Ano ang kaugnayan ng pagiging Cristiano natin sa mga tungkuling nabanggit? (Isa-isahin at isipin ang kaugnayan ng mga ito sa buhay Cristiano.)
©  Sa nabangit na apat na tungkulin, saan mo kinakailangang pagbutihin ang pagsunod? (Personal, praktikal at kasalukuyan.

LAGUMIN ang naging talakayan sa ikalawang bahagi.

SERVE

N  Panalangin para sa grupo. Magpanalanginan ang grupo para sa mga personal prayer request.

N  Panalangin para sa iba. Idalangin ang limang kaanib na maging aktibo sa pagdalo sa kanilang Small Group (Oikos).
N  Pahayag para sa Discipleship Journey. Hikayating dumalo sa mga pagsasanay bilang disipulo.
N Magwakas sa panalangin ang lider.


No comments:

Post a Comment

GOD’S PLAN, THE BEST PLAN

  CONNECT     ©   Icebreaker : Paghahayag ng kaisipan 1.  Pasimulan sa masiglang pagbabatian.  2.  Mabilis na dugtungan: " Limang taon ...