
CONNECT
© Icebreaker: Pagtutulungan (Team Work)
1. Magdala ng dalawang kahon ng posporo o kaya’y dalawang newspaper at white glue.
2. Sa pagpapasimula, ibigay ang gamit sa grupo at sabihin, “Gagawa tayo ng “bahay” sa papamagitan nito (posporo o dyaryo).” Magtutulong sa paggawa.
3. Sabihin, “Ang pagtatayo ng bahay ay hindi lamang sa ganda kundi dapat ito rin ay matibay. Gayon din sa buhay Cristiano.”
© Pambungd na panalangin ng isa sa mga kaanib.
© Umawit ng pamilyar na awit pagsamba (mamahagi ng kopya).
A. BASAHIN: Roma 2:1-8
B. TALAKAYAN: (Ang mga salitang may parenthesis ay maaaring instruction o sagot sa tanong. Kung sagot, sabihin ito kapag ang lahat ng kaanib ay nakapagbigay na nang sagot.)
Ang pagpapala ng pag-iingat ng Diyos
I. NAGSISIMULA SA PAGSISIKAP NA MASUMPUNGAN ANG KARUNUNGANG MULA SA DIYOS (t. 1-4)
& Sa talatang 1-2, anu-ano ang mga iniutos ng ama sa kanyang anak? (Pangaral ay dinggin. Mga utos ay ingatan at sundin at ibaling ang panding sa wastong araw.)
Ano ang ibig sabihin ng ama sa mga utos niyang ito sa anak? (Malayang pagbibigay ng sagot.) Sa iyong palagay, ano ang maaaring dahilan ng anak para sumunod sa kanyang ama? (Hayaang magbigay ng kaisipan ang mga kaanib ng grupo.)
© Bilang mga anak ng Diyos, ano ang dapat mong ginagawa kung ang pagbabasehan mo ay ang utos ng ama? (Personal, praktikal at pangkasalukuyang sagot. Lahat ay magbabahagi.)
& Sa talatang 3-4, ano ang pagsisikapan natin? (Tunay na kaalaman.)
Ano ang tunay at hindi tunay na kaalaman? (Malayang pagsagot. Sabihin sa huli, “Ang tunay na kaalaman ay kalaamang naaayon sa pamantayan ng Diyos.”)
© Anu-ano ang mga gawaing magpapalalim ng ating pang-unawa sa tunay na kaalaman? (Personal na mga sagot ng grupo.)
LAGUMIN ang naging talakayan sa unang bahagi.
II. BUNGA NG PAGKATUTO AT PAMUMUHAY NG KARUNUNGANG MULA SA DIYOS (t. 5-8)
& Sa talatang 5-6, anu-ano ang mga prinsipyo tungkol sa karunungan ang makikita natin? (Maaaring malaman ang kahulugan ng paggalang at pagsunod sa Diyos at ang karunungan ay mula sa Diyos.)
Ano ang ibig sabihin na “ang karunungan ay mula sa Diyos?” (Isa-isang magbigay ng kahulugan.)
© Ano ang gagawin mo mula ngayon upang matamo ang karunungang mula sa Diyos? (Lahat ay magbahagi.)
& Sa talatang 7-8, anu-ano ang pakinabang ng taong namumuhay sa katuwiran at katapatan? (Bibigyan Niya ng pang-unawa, Kanyang iingatan, babantayan at susubaybayan.)
Paano mo ilalarawan ang pag-iingat ng Diyos sa buhay mo? (Hayaang magpatotoo ang grupo.)
© Ano ngayon ang mabuti mong gawin upang lumago ka sa katuwiran ng Diyos at mamuhay na may katapatan? (Bigyang-diin ang personal devotion o araw-araw na panalangin at pagbabasa ng Biblia.)
LAGUMIN ang naging talakayan sa ikalawang bahagi. Huwag magturo.
N Panalangin para sa grupo. Manalangin ang lider para sa mga pamilya ng mga kagrupo.
N Panalangin para sa iba. Hilinging manalangin naman ang mga kaanib para sa limang (5) kapatiran.
N Pahayag para sa inyong Discipleship Journey.
N Pangwakas na panalangin. Pangunahan ng isa sa mga kaanib.
No comments:
Post a Comment