Thursday, November 14, 2019

Ang Pagpapala ng Pag-iingat ng Diyos


CONNECT

    © Icebreaker: Pagtutulungan (Team Work)

1.  Magdala ng dalawang kahon ng posporo o kaya’y dalawang newspaper at white glue.
2.  Sa pagpapasimula, ibigay ang gamit sa grupo at sabihin, “Gagawa tayo ng “bahay” sa papamagitan nito (posporo o dyaryo).” Magtutulong sa paggawa.
3.  Sabihin, “Ang pagtatayo ng bahay ay hindi lamang sa ganda kundi dapat ito rin ay matibay. Gayon din sa buhay Cristiano.”

© Pambungd na panalangin ng isa sa mga kaanib.
© Umawit ng pamilyar na awit pagsamba (mamahagi ng kopya).


REFLECT

      A. BASAHIN: Roma 2:1-8


B.   TALAKAYAN: (Ang mga salitang may parenthesis ay maaaring instruction o sagot sa tanong. Kung sagot, sabihin ito kapag ang lahat ng kaanib ay nakapagbigay na nang sagot.)

Ang pagpapala ng pag-iingat ng Diyos
I. NAGSISIMULA SA PAGSISIKAP NA MASUMPUNGAN ANG KARUNUNGANG MULA SA DIYOS (t. 1-4)
& Sa talatang 1-2, anu-ano ang mga iniutos ng ama sa kanyang anak? (Pangaral ay dinggin. Mga utos ay ingatan at sundin at ibaling ang panding sa  wastong araw.)
 Ano ang ibig sabihin ng ama sa mga utos niyang ito sa anak?  (Malayang pagbibigay ng sagot.) Sa iyong palagay, ano ang maaaring dahilan ng anak para sumunod sa kanyang ama? (Hayaang magbigay ng kaisipan ang mga kaanib ng grupo.)
© Bilang mga anak ng Diyos, ano ang dapat mong ginagawa kung ang pagbabasehan mo ay ang utos ng ama? (Personal, praktikal at pangkasalukuyang sagot. Lahat ay magbabahagi.)

& Sa talatang 3-4, ano ang pagsisikapan natin? (Tunay na kaalaman.)
 Ano ang tunay at hindi tunay na kaalaman? (Malayang pagsagot. Sabihin sa huli, “Ang tunay na kaalaman ay kalaamang naaayon sa pamantayan ng Diyos.”)
© Anu-ano ang mga gawaing magpapalalim ng ating pang-unawa sa tunay na kaalaman? (Personal na mga sagot ng grupo.)

LAGUMIN ang naging talakayan sa unang bahagi.

II. BUNGA NG PAGKATUTO AT PAMUMUHAY NG   KARUNUNGANG MULA SA DIYOS  (t. 5-8)
& Sa talatang 5-6, anu-ano ang mga prinsipyo tungkol sa karunungan ang makikita natin? (Maaaring malaman ang kahulugan ng paggalang at pagsunod sa Diyos at ang karunungan ay mula sa Diyos.)
 Ano ang ibig sabihin na “ang karunungan ay mula sa Diyos?” (Isa-isang magbigay ng kahulugan.)
© Ano ang gagawin mo mula ngayon upang matamo ang karunungang mula sa Diyos? (Lahat ay magbahagi.)

& Sa talatang 7-8, anu-ano ang pakinabang ng taong namumuhay sa katuwiran at katapatan? (Bibigyan Niya ng pang-unawa, Kanyang iingatan, babantayan at susubaybayan.)
 Paano mo ilalarawan ang pag-iingat ng Diyos sa buhay mo? (Hayaang magpatotoo ang grupo.)
© Ano ngayon ang mabuti mong gawin upang lumago ka sa katuwiran ng Diyos at mamuhay na may katapatan? (Bigyang-diin ang personal devotion o araw-araw na panalangin at pagbabasa ng Biblia.)

LAGUMIN ang naging talakayan sa ikalawang bahagi. Huwag magturo.

SERVE

  N Panalangin para sa grupo. Manalangin ang lider para sa mga pamilya ng mga kagrupo.

N Panalangin para sa iba. Hilinging manalangin naman ang mga kaanib para sa limang (5) kapatiran.
N Pahayag para sa inyong Discipleship Journey.
N Pangwakas na panalangin. Pangunahan ng isa sa mga kaanib.


Wednesday, November 13, 2019

Matuwid na Ugnayan ng Malakas at Mahina




CONNECT

     © Icebreaker: Pagbabahaginan (isa-isang itanong)
  1. 1. Ano ang nalalaman mong kahinaan mo?
  2. 2. Ano naman ang isa sa mga kalakasan mo?
  3. 3. Kung magdadagdag ka ng kalakasan, ano iyon?

© Pambungd na panalangin ng isa sa mga kaanib.
© Umawit ng imnong nakapagpapalakas (mamahagi ng kopya).

REFLECT
      
      A. BASAHIN: Roma 14:1-9


B. TALAKAYAN: (Ang mga salitang may parenthesis ay maaaring instruction o sagot sa tanong. Kung sagot, sabihin kapag ang lahat ng kaanib ay nakapagbigay na nang sagot.)

Ang Nagpapahalaga at Tumatanggap sa Kapwa...
I. IPINAUUBAYA SA DIYOS ANG PAGHATOL SA KAPWA (t. 1-6)
& Sa talatang 4, sino ang sinasabing may karapatang humatol sa isang lingkod? (Ang panginoon lamang niya ang makahahatol kung siya’y karapat-dapat o hindi.)
 Ano ang ibig sabihin ng prinsipyong ito sa paghatol?  (Malayang pagbibigay ng sagot.) Paano ito umuugnay sa buhay Cristiano? (Ang karapatan upang hatulan ang ginagawa ng kapwa Cristiano ay sa Diyos lamang na Siyang Panginoon natin.)
© Ano ang maaaring magawa upang maipakita sa kapatiran na sa Diyos mo ipinauubaya ang paghatol? (Personal, praktikal at pangkasalukuyang sagot. Malayang pagbabahaginan.)
& talatang 1-6, anu-ano ang mga paglalarawang makikita natin na umuugnay sa paghatol sa kapwa? (Hayaan munang sumagot ang grupo bago magbigay ng sagot ang lider. Tanggapin ang mahihina (t. 1), huwag hamakin at huwag hatulan ang kapwa (t. 3), gumawa (kumain) alang-alang sa Panginoon at pasalamatan Siya sa kahit na anong mga bagay (pagkain) (t. 6))
 Isa-isang bigyan ng kahulugan ang mga nabanggit na mga sagot. (Malayang talakayan. Sikaping lahat ay sumama sa pagbabahagi ng sagot.)
© Sa mga nabanggit na gawain, paano mo ngayon pakikitunguhan ang mga kapatiran? (Personal na mga sagot ng grupo.)

LAGUMIN ang naging talakayan sa unang bahagi.

II. ANG GINAGAWA AY HINDI SA SARILING KAPAKINABANGAN (t. 7-9)
& Sa talatang 7, ano ang prinsipyo ang matututuhan natin tungkol sa pakikitungo sa kapwa? (Walang sinumang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang.)
 Ano ang ibig sabihin nito? (Isa-isang magbigay ng kahulugan.)
© Ano ang gagawin mo upang maipakita sa kapatiran na ikaw ay hindi nabubuhay para sa sarili lamang? (Malayang pagbabahagi.)
& Sa talatang 8, higit sa kapwa, kanino tayo dapat mabuhay at mamatay?  (Sa mamatay o sa mabuhay, sa Panginoon tayo.) Ayon sa talatang 8, bakit sa Panginoon tayo, sa mamatay o mabuhay? (Basahin ng buo ang talata.)
 Paano ba ang mabuhay at mamatay sa Panginoong Jesus? (Ang bawat ginagawa ay mga bagay na nagbibigay lugod sa Panginoon hanggang sa huling hininga, hanggang sa kamatayan. Ang buhay at kamataya ay ipinaubaya na sa Panginoong Jesus.)
© Ano ang maitatalaga mo ngayon sa Diyos habang ikaw ay nabubuhay? (Lahat ay magbigay ng sagot.)

LAGUMIN ang naging talakayan sa ikalawang bahagi.

SERVE

  N Panalangin para sa grupo. Idalangin ang pamilya ng inyong mga ka-grupo.

N Panalangin para sa iba. Idalangin ang Church: Pastor, mga kapatiran at mga gawain nito.
N Pahayag para sa Discipleship Jouney ng Church.
N Magwakas sa panalangin ang lider.


Ang Cristiano at ang Matuwid na Ugnayan sa Pamahalaan



CONNECT

© Icebreaker: Pagbabahaginan (isa-isang itanong)

  1. Sino ang nasusunod sa loob ng inyong tahanan?
  2. Para sa iyo, anong batas ng bayan ang mahirap sundin para sa mga mamamayan? Bakit kaya?

© Panalangin ng isa sa mga kaanib para sa tahanan at bayan.
© Umawit ng masisiglang awit ng pagsamba (mamahagi ng kopya).


REFLECT

      A. BASAHIN: Roma 13:1-7


B.   TALAKAYAN: (Ang mga salitang may parenthesis ay maaaring instruction o sagot sa tanong. Kung sagot, sabihin kapag ang lahat ng kaanib ay nakapagbigay na nang sagot.)

I. MAGPASAKOP SA NAMAMAHALA (t. 1-5)
& Sa talatang 1 at 5, anong utos ang dapat na sinusunod ng mga mananampalataya? (Pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan.)
 Ano ang ibig sabihin ng utos na “pasakop kayo sa mga pinuno ng pamahalaan?  (Malayang talakayan.)
©  Paano mo masasabing, sa kasalukuyan, ikaw ay sumusunod sa utos na nabanggit? (Personal, praktikal at pangkasalukuyang sagot.)
& Sa talatang 1-5 pa rin, anu-ano ang mga ibinigay na dahilan   ni Pablo sa pagpapasakop sa pinuno ng pamahalaan? ( (1) Ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral, (2) ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos, (3)  Sila'y mga lingkod ng Diyos para sa ikabubuti natin.  (4) Sila'y mga lingkod ng Diyos, na nagpaparusa sa mga gumagawa ng masama. (5) at alang-alang na rin sa budhi.)
 Pumili ng isa sa mga nabangggit na dahilan at ipaliwanag? (Hayaang magbahagi ng pagpapakahulugan. Laging tatandaan na ang bawat isa ay may karapatan sa kanyang sariling opinyon. Malibang taliwas sa Biblia ang sinasabi ng kasama, tanggapin ang mga paliwanag.)
©  Maliwanag na dapat tayong magpasakop sa pinuno ng pamahalaan, sa paanong simpleng paraan mo maipakikitang ikaw ay nagpapasakop sa pamahalaan at hindi lumalaban dito? (Malayang pagbabahagi ng personal na gagawin. Isa-isang sasagot.)

LAGUMIN ang naging talakayan sa unang bahagi.

II. SUPORTAHAN ANG MGA NAMAMAHALA (t. 6-7)
& Sa talatang 7, ano ang tamang pakikipag-ugnay sa kapwa o   sa bayan? (Ibigay sa bawat isa ang nararapat para sa kanya.)
  Ano ang ibig sabihin ng “pagbibigay ng nararapat?” (Isa-     isang magbigay ng kahulugan.)
©  Ano ang gagawin mo ngayon bilang tanda ng nararapat na pagsunod para sa bayan? (Malayang bahaginan. Hayaang maging bukas ang mga kaanib sa kanilang kaisipan at damdamin.)
& Sa talatang 6-7, anu-ano ang mga tungkuling nararapat   nating ginagawa para sa bayan? ((1) Magbayad ng buwis, (2) magbayad sa mga dapat bayaran (3) igalang ang dapat igalang (4) at parangalan ang dapat parangalan.)
 Ano ang kaugnayan ng pagiging Cristiano natin sa mga tungkuling nabanggit? (Isa-isahin at isipin ang kaugnayan ng mga ito sa buhay Cristiano.)
©  Sa nabangit na apat na tungkulin, saan mo kinakailangang pagbutihin ang pagsunod? (Personal, praktikal at kasalukuyan.

LAGUMIN ang naging talakayan sa ikalawang bahagi.

SERVE

N  Panalangin para sa grupo. Magpanalanginan ang grupo para sa mga personal prayer request.

N  Panalangin para sa iba. Idalangin ang limang kaanib na maging aktibo sa pagdalo sa kanilang Small Group (Oikos).
N  Pahayag para sa Discipleship Journey. Hikayating dumalo sa mga pagsasanay bilang disipulo.
N Magwakas sa panalangin ang lider.


GOD’S PLAN, THE BEST PLAN

  CONNECT     ©   Icebreaker : Paghahayag ng kaisipan 1.  Pasimulan sa masiglang pagbabatian.  2.  Mabilis na dugtungan: " Limang taon ...