© Icebreaker: Paghahayag ng kaisipan
1. Pasimulan sa masiglang pagbabatian.
2. Mabilis na dugtungan: "Limang taon mula ngayon ako ay magiging ________________________."
3. Dagdag-sigla: ipaulit ang sinundang kaanib.
© Pambungd na panalangin ng isa sa mga kaanib.
© Umawit ng pamilyar na awit pagsamba (mamahagi ng kopya).
A. BASAHIN: Roma 2:1-8
GOD’S PLAN, THE BEST PLAN
(Plano ng Diyos, Pinakamainam na Plano)
(Basahin ang susing talata: Josue 24:29)
Sabihin, "Ang aklat ni Jeremias ay mga pahayag ng pagpaparusa at pag-asa sa bayan ng Diyos na dadalhin ni Propeta Jeremias sa halos 40 taon sa harap ng mga hari at kaharian. Kinikilala si Jeremias bilang ‘the weeping proophet’ sapagkat matinding pighati para sa kanya ang unang nakakaalam sa parusang tatanggapin ng bayan. Lalo na sa katotohanang, batid niyang hindi manunumbalik ang mga Israelita sa kabila ng mga dala niyang babala. Sa ganitong kalagayan, sinabi ng Diyos ang ating susing talata tungkol sa Kanyang plano.”
God’s plan, the Best plan…
I. BAGO PA TAYO IPAGLIHI AT IPANGANAK
Basahin o isalaysay ang pagtawag ng Diyos kay Jeremias: Jeremias 1:1-10
TALAKAYAN 1: (Hangga’t maaari ay paunahin ang mga mag-aaral sa pagsagot bago ang guro.)
Sa pagtawag ng Diyos kay Jeremias, ano ang makikita nating pagkilos ng plano ng Diyos? (Hayaang sumagot ang klase.) (bago pa ipaglihi at ipanganak, nangako ang Diyos na sasamahan siya, at dadalhin niya sa mga hari ang pahayag ng Diyos.)
Paano natin iuugnay ang karanasan n Jeremias sa sarili nating buhay? (Pansariling sagot, mauuna ang lider.)
Pag-usapan: Bago pa tayo ipaglihi at ipanganak
o Ang plano ng Diyos ay nauuna sa ating mga plano.
o Hindi tayo mag-iisa sa mga plano ng Diyos sa ating buhay.
o Ang kakayahang matupad ang mga planong ito ay ipagkakaloob ng Diyos..
Ano ang gagawin mo ngayon sa katotohanang may plano ang Diyos sa iyo? (Pansariling sagot.)
Sabihin, “Ang plano ng Diyos ay bago pa tayo ipanganak at sa plano Niya sa atin, maaasahan natni ang pangako ng Kanyang pagsama. Higit pa rito, tutulungan Niya tayong matupad ang Kanyang mga plano para sa atin bukas.”
God’s plan, the Best plan…
II. PAGBABAGO SA PLANO NG DIYOS
Basahin o isalaysay ang talinhaga ng Magpapalayok: Jeremias 18:1-12
TALAKAYAN 2: (Hangga’t maaari ay paunahin ang mga kaanib sa pagsagot bago ang guro.)
Sa mga talata, ano ang masasabi nating aral sa kuwento ng magpapalayok na may kauygnayan sa plano ng Diyos? (Hayaang sumagot ang klase.) (nasa kamay ng Diyos ang plano, nasa Kanya ang pagpapala sa mga nananalig, nasa kamay Niya ang parusa sa mga hindi mananalig.)
Paano natin ito iuugnay sa ating pang-araw-araw na buhay? (Pansariling sagot, mauna ang lider)
Pag-usapan: Pagbabago ng Plano ng Diyos
o Ang plano ng Diyos ay Karapatan ng Diyos.o Ang planong kaparusahan sa masama ay nababago ng kanilang pagtalikod sa kasamaan.o Ang planong mabuti ng Diyos ay nababago ng kasalanan..
Ano ang pagsisikapan mong gawin ngayon upang maging mabuti ang ayong kinabukasan? (Pansariling sagot).
Sabihin, “Tandaan nating lagi ang plano ng Diyos. Pagpapala sa lahat ng mananalig at susunod sa Kanya. Parusa sa mga pipiliin ang kasamaan. Paaalala ito nang sa gayon ay hindi tayo mapabilang sa parusa ng Diyos. At tamasahin natin ang nakalaang pagpapala Niya.”
God’s plan, the Best plan…
III. PAGKATAPOS NG MAHABANG PAGKABIHAG
Basahin o isalaysay ang Jeremias 29:10-15
TALAKAYAN 3: (Hangga’t maaari ay paunahin ang mga kaanib sa pagsagot bago ang guro.)
Sa talatang 15, ano pahayag ni Josue na humahamon sa paglilingkod ng mga Israelita? (Hayaang sumagot ang klase.) (ang sambahayan niya ay kasama sa kanyang pagliligkod.)
Sa talatang 31, ano ang hamon ng paglilingkod ni Josue sa naging bunga sa mga taong kanyang pinaglinguran? (Malayang talakayan)
Pag-usapan: Sinusundan ng mga pinaglingkuran
o Ang paglilingkod natin ay hamon sa paglilingkod ng ating sambahayan.o Ang paglilingkod natin ay nakikita at huwaran sa mga pinaglilingkuran.o Ang paglilingkod natin ay pamana sa susunod na henerasyon.
Ano ang gagawin mo ngayon sa uri ng iyong paglilingkod sa Diyos? (Pansariling sagot.)
Sabihin, “Tandaan nating hindi natatapos ang paglilingkod natin sa sarili nating kapakinabangan. Ito ay higit na pakinabang sa mga taong ating pinaglilingkuran. Lalo sa loob ng ating tahanan. Sikaping ikaw at ang iyong sambahayan ay maglingkod sa Diyos. At loobin ng Diyos na ang ating mga paglilingkod ay maging halimbawa sa iba upang sila rin naman ay tapat na maglingkod.”
• IBUOD ng lider ang mga naging talakayan.
• Muling basahin ang susing talata: Josue 24:29 “Lumipas ang sandaling panahon at ang lingkod ni Yahweh na si Josue, na anak ni Nun, ay namatay sa gulang na 110 taon.”
N Magpanalanginan.
N Panalangin para sa iba: Itala at idalangin ang mga leaders sa inyong iglesia.
N Pahayag: Ipaalaala ang pagdalo sa mga Gawain: Sunday School, Linggong Pananmbahan, Midweek Service, Prayer Meeting at ang muling pagtitpon ng inyong Small Group.
N Magwakas sa panalangin.