Sunday, November 3, 2024

GOD’S PLAN, THE BEST PLAN

 CONNECT

    © Icebreaker: Paghahayag ng kaisipan

1.  Pasimulan sa masiglang pagbabatian. 
2.  Mabilis na dugtungan: "Limang taon mula ngayon ako ay magiging ________________________."
3.  Dagdag-sigla: ipaulit ang sinundang kaanib.

© Pambungd na panalangin ng isa sa mga kaanib.
© Umawit ng pamilyar na awit pagsamba (mamahagi ng kopya).


REFLECT


 A. BASAHIN: Roma 2:1-8

GOD’S PLAN, THE BEST PLAN
(Plano ng Diyos, Pinakamainam na Plano)
(Basahin ang susing talata: Josue 24:29)

Sabihin, "Ang aklat ni Jeremias ay mga pahayag ng pagpaparusa at pag-asa sa bayan ng Diyos na dadalhin ni Propeta Jeremias sa halos 40 taon sa harap ng mga hari at kaharian. Kinikilala si Jeremias bilang ‘the weeping proophet’ sapagkat matinding pighati para sa kanya ang unang nakakaalam sa parusang tatanggapin ng bayan. Lalo na sa katotohanang, batid niyang hindi manunumbalik ang mga Israelita sa kabila ng mga dala niyang babala. Sa ganitong kalagayan, sinabi ng Diyos ang ating susing talata tungkol sa Kanyang plano.”

God’s plan, the Best plan…
I. BAGO PA TAYO IPAGLIHI AT IPANGANAK 
   Basahin o isalaysay ang pagtawag ng Diyos kay Jeremias: Jeremias 1:1-10

TALAKAYAN 1: (Hangga’t maaari ay paunahin ang mga mag-aaral sa pagsagot bago ang guro.)

Sa pagtawag ng Diyos kay Jeremias, ano ang makikita nating pagkilos ng plano ng Diyos?  (Hayaang sumagot ang klase.) (bago pa ipaglihi at ipanganak, nangako ang Diyos na sasamahan siya, at dadalhin niya sa mga hari ang pahayag ng Diyos.)  
Paano natin iuugnay ang karanasan n Jeremias sa sarili nating buhay? (Pansariling sagot, mauuna ang lider.)

Pag-usapan: Bago pa tayo ipaglihi at ipanganak
o  Ang plano ng Diyos ay nauuna sa ating mga plano.
o  Hindi tayo mag-iisa sa mga plano ng Diyos sa ating buhay.
o  Ang kakayahang matupad ang mga planong ito ay ipagkakaloob ng Diyos..

Ano ang gagawin mo ngayon sa katotohanang may plano ang Diyos sa iyo? (Pansariling sagot.)

Sabihin,Ang plano ng Diyos ay bago pa tayo ipanganak at sa plano Niya sa atin, maaasahan natni ang pangako ng Kanyang pagsama. Higit pa rito, tutulungan Niya tayong matupad ang Kanyang mga plano para sa atin bukas.”

God’s plan, the Best plan…
II.   PAGBABAGO SA PLANO NG DIYOS
      Basahin o isalaysay ang talinhaga ng Magpapalayok: Jeremias 18:1-12

TALAKAYAN 2: (Hangga’t maaari ay paunahin ang mga kaanib sa pagsagot bago ang guro.)

Sa mga talata, ano ang masasabi nating aral sa kuwento ng magpapalayok na may kauygnayan sa plano ng Diyos? (Hayaang sumagot ang klase.) (nasa kamay ng Diyos ang plano, nasa Kanya ang pagpapala sa mga nananalig, nasa kamay Niya ang parusa sa mga hindi mananalig.)
Paano natin ito iuugnay sa ating pang-araw-araw na buhay?  (Pansariling sagot, mauna ang lider)
Pag-usapan: Pagbabago ng Plano ng Diyos
o  Ang plano ng Diyos ay Karapatan ng Diyos.
o  Ang planong kaparusahan sa masama ay nababago ng kanilang pagtalikod sa kasamaan.
o  Ang planong mabuti ng Diyos ay nababago ng kasalanan..

Ano ang pagsisikapan mong gawin ngayon upang maging mabuti ang ayong kinabukasan? (Pansariling sagot).

Sabihin, “Tandaan nating lagi ang plano ng Diyos. Pagpapala sa lahat ng mananalig at susunod sa Kanya. Parusa sa mga pipiliin ang kasamaan. Paaalala ito nang sa gayon ay hindi tayo mapabilang sa parusa ng Diyos. At tamasahin natin ang nakalaang pagpapala Niya.”

God’s plan, the Best plan…
III.  PAGKATAPOS NG MAHABANG PAGKABIHAG
      Basahin o isalaysay ang Jeremias 29:10-15

TALAKAYAN 3: (Hangga’t maaari ay paunahin ang mga kaanib sa pagsagot bago ang guro.)

Sa talatang 15, ano pahayag ni Josue na humahamon sa paglilingkod ng mga Israelita? (Hayaang sumagot ang klase.) (ang sambahayan niya ay kasama sa kanyang pagliligkod.)
Sa talatang 31, ano ang hamon ng paglilingkod ni Josue sa naging bunga sa mga taong kanyang pinaglinguran? (Malayang talakayan)
Pag-usapan: Sinusundan ng mga pinaglingkuran
o  Ang paglilingkod natin ay hamon sa paglilingkod ng ating sambahayan.
o  Ang paglilingkod natin ay nakikita at huwaran sa mga pinaglilingkuran.
o  Ang paglilingkod natin ay pamana sa susunod na henerasyon.

Ano ang gagawin mo ngayon sa uri ng iyong paglilingkod sa Diyos? (Pansariling sagot.)

Sabihin, “Tandaan nating hindi natatapos ang paglilingkod natin sa sarili nating kapakinabangan. Ito ay higit na pakinabang sa mga taong ating pinaglilingkuran. Lalo sa loob ng ating tahanan. Sikaping ikaw at ang iyong sambahayan ay maglingkod sa Diyos. At loobin ng Diyos na ang ating mga paglilingkod ay maging halimbawa sa iba upang sila rin naman ay tapat na maglingkod.”
 
IBUOD ng lider ang mga naging talakayan.
Muling basahin ang susing talata: Josue 24:29 “Lumipas ang sandaling panahon at ang lingkod ni Yahweh na si Josue, na anak ni Nun, ay namatay sa gulang na 110 taon.


    SERVE


N  Magpanalanginan.
N  Panalangin para sa iba: Itala at idalangin ang mga leaders sa inyong iglesia.
N  Pahayag: Ipaalaala ang pagdalo sa mga Gawain: Sunday School, Linggong Pananmbahan, Midweek Service, Prayer Meeting at ang muling pagtitpon ng inyong Small Group.
N  Magwakas sa panalangin.


Thursday, November 14, 2019

Ang Pagpapala ng Pag-iingat ng Diyos


CONNECT

    © Icebreaker: Pagtutulungan (Team Work)

1.  Magdala ng dalawang kahon ng posporo o kaya’y dalawang newspaper at white glue.
2.  Sa pagpapasimula, ibigay ang gamit sa grupo at sabihin, “Gagawa tayo ng “bahay” sa papamagitan nito (posporo o dyaryo).” Magtutulong sa paggawa.
3.  Sabihin, “Ang pagtatayo ng bahay ay hindi lamang sa ganda kundi dapat ito rin ay matibay. Gayon din sa buhay Cristiano.”

© Pambungd na panalangin ng isa sa mga kaanib.
© Umawit ng pamilyar na awit pagsamba (mamahagi ng kopya).


REFLECT

      A. BASAHIN: Roma 2:1-8


B.   TALAKAYAN: (Ang mga salitang may parenthesis ay maaaring instruction o sagot sa tanong. Kung sagot, sabihin ito kapag ang lahat ng kaanib ay nakapagbigay na nang sagot.)

Ang pagpapala ng pag-iingat ng Diyos
I. NAGSISIMULA SA PAGSISIKAP NA MASUMPUNGAN ANG KARUNUNGANG MULA SA DIYOS (t. 1-4)
& Sa talatang 1-2, anu-ano ang mga iniutos ng ama sa kanyang anak? (Pangaral ay dinggin. Mga utos ay ingatan at sundin at ibaling ang panding sa  wastong araw.)
 Ano ang ibig sabihin ng ama sa mga utos niyang ito sa anak?  (Malayang pagbibigay ng sagot.) Sa iyong palagay, ano ang maaaring dahilan ng anak para sumunod sa kanyang ama? (Hayaang magbigay ng kaisipan ang mga kaanib ng grupo.)
© Bilang mga anak ng Diyos, ano ang dapat mong ginagawa kung ang pagbabasehan mo ay ang utos ng ama? (Personal, praktikal at pangkasalukuyang sagot. Lahat ay magbabahagi.)

& Sa talatang 3-4, ano ang pagsisikapan natin? (Tunay na kaalaman.)
 Ano ang tunay at hindi tunay na kaalaman? (Malayang pagsagot. Sabihin sa huli, “Ang tunay na kaalaman ay kalaamang naaayon sa pamantayan ng Diyos.”)
© Anu-ano ang mga gawaing magpapalalim ng ating pang-unawa sa tunay na kaalaman? (Personal na mga sagot ng grupo.)

LAGUMIN ang naging talakayan sa unang bahagi.

II. BUNGA NG PAGKATUTO AT PAMUMUHAY NG   KARUNUNGANG MULA SA DIYOS  (t. 5-8)
& Sa talatang 5-6, anu-ano ang mga prinsipyo tungkol sa karunungan ang makikita natin? (Maaaring malaman ang kahulugan ng paggalang at pagsunod sa Diyos at ang karunungan ay mula sa Diyos.)
 Ano ang ibig sabihin na “ang karunungan ay mula sa Diyos?” (Isa-isang magbigay ng kahulugan.)
© Ano ang gagawin mo mula ngayon upang matamo ang karunungang mula sa Diyos? (Lahat ay magbahagi.)

& Sa talatang 7-8, anu-ano ang pakinabang ng taong namumuhay sa katuwiran at katapatan? (Bibigyan Niya ng pang-unawa, Kanyang iingatan, babantayan at susubaybayan.)
 Paano mo ilalarawan ang pag-iingat ng Diyos sa buhay mo? (Hayaang magpatotoo ang grupo.)
© Ano ngayon ang mabuti mong gawin upang lumago ka sa katuwiran ng Diyos at mamuhay na may katapatan? (Bigyang-diin ang personal devotion o araw-araw na panalangin at pagbabasa ng Biblia.)

LAGUMIN ang naging talakayan sa ikalawang bahagi. Huwag magturo.

SERVE

  N Panalangin para sa grupo. Manalangin ang lider para sa mga pamilya ng mga kagrupo.

N Panalangin para sa iba. Hilinging manalangin naman ang mga kaanib para sa limang (5) kapatiran.
N Pahayag para sa inyong Discipleship Journey.
N Pangwakas na panalangin. Pangunahan ng isa sa mga kaanib.


GOD’S PLAN, THE BEST PLAN

  CONNECT     ©   Icebreaker : Paghahayag ng kaisipan 1.  Pasimulan sa masiglang pagbabatian.  2.  Mabilis na dugtungan: " Limang taon ...